-
New Member
"Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, na dati'y masaya ka sa bawat sandaling tayo'y magkakasama,.. Kung maibabalik ko lang ang mga panahon, na ngumingiti ka' kahit na mabibigat na pagsubok ang ating dinaranas.." "Alam kong hindi tayo ang itinadhana para sa isa't isa, ngunit hanggang kailan ba kita ipaglalaban, hanggang kailan ko ba lalabanan ang itinadhana, hanggang kailan ba ako magiging malakas upang di ka bitawan.. "Ginusto nating dalawa na tayo ang magkatuluyan, maraming pumigil ngunit lahat sila'y hindi nagtagumpay, ipinaglaban lang natin kung ano ang nararamdaman natin para sa isat isa.. "Minsan tayo'y naging isa, panghabang buhay nakakabit sa ating dalawa, ngunit ngayon' batid ko, na unti-unti na akong nag-iisa.." "Mahirap tanggapin na mawawala kana, ngunit pangako ko sa habang panahon, kailan man, hinding-hindi ka mawawaglit sa puso ko.."
-
Posting Permissions
- You may not post new threads
- You may not post replies
- You may not post attachments
- You may not edit your posts
-
Forum Rules
Bookmarks